Welkam po Tatay

welcomeMabuhay ang mga tatay!

Ang pahinang blog na ito ay iniaalay ko sa mga kapwa kong tatay sa buong mundo na walang sawang gumagawa ng mga paraan upang mabuhay at suportahan ang mga anak at iba pang mga mahal sa buhay. Mga tatay na inihalintulad ko sa isang kalabaw na walang humpay ang pagkayod upang matapos at maisakatuparan lamang ang mga ninanais para sa mga anak. Isang tipong kalabaw na madalas makikita sa mga sakahan na kahit na sa anumang uri ng panahon ay kumakayod upang matapos ang paghahanda ng sakahan at nang lumaon ay makapagtanim ng palay at anihin upang mailatag sa hapag-kainan ang bungang bigas para pagsaluhan bilang isang masayang mag-anak.

Hindi ko matanto kung bakit bigla kong naisip na gumawa ng isang pagsubok na hamunin ko ang sarili na magsulat sa istilong malaya at inpormal. Ang tanging nasa puso ko ay makagawa ng isang lugar o abenida para sa mga tatay na tulad ko upang maipahayag ang mga saloobin tungkol sa pagiging tatay. Sa una ay ilang ulit kong binubura ang lahat na isinusulat ko at makailang beses kong pinapalitan ang lahat na mga nakasulat sa blog na ito hanggang sa dumaloy na sa aking mga ugat ang adrenalin ng aking malikot na kaisipan.

Kung ikaw ay kapwa kong tatay o magiging tatay pa lamang ay naniniwala akong mapapanatili dito ang pustura at momentum ng pagbibigay kahalagahan ng ating mga responsibilidad maging tayo man ay nanatiling buo bilang pamilya, hiwalay sa asawa, minsan ay nanay na din at iba pang mga makatotohanang sitwasyon ng pagiging tatay. Naniniwala din ako na sa pamamaraang ito ay unti-unti maipapaabot ang mga tagong mensahe ng karamihang mga tatay na minsan ay ikinamamatay na lamang na hindi nalaman ng mga anak at iba pang mahal sa buhay.

Ang buhay ay napaka-iksi sa mga tulad kong naghahabol na ng mga oras upang maihanda ang aking mga anak na mabuhay at tumayo sa mga sariling paa na matapang, matalino, may takot sa Diyos, respeto at malalalim na pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili at mga kapatid. isang paghahanda na hindi kailanman nakukuha sa loob ng paaralan at ibang mga tao. Ako bilang tatay ay ang nagtataglay ng pinakamataas na responsibilidad na maihubog sa tamang disenyo ang landas ng kanilang paglalakbay sa buhay. Ituring mang isang sirang plaka na paulit-ulit sa mga sinasabi ay darating din ang araw na ang bunga nito ay isang matatag na pagtanto ng kahilingan ng sinumang tatay na maisayos ang buhay ng mga anak at maging handa sa pagharap sa mapusok na mga hamon ng mga susunod na henerasyon.

Hindi kalaunan ako ay mawawalan na ng lakas upang mapanatili ang pagsusulat at harapin ang katotohanang may araw din ako upang sumakabilang-buhay. Subalit habang ako ay may lakas pa sa kasalukuyan ay hinahamon ko din ang lahat na tatay na maglakas loob na makibahagi sa usaping ito at bahaginan ang mga mambabasa ng mga makabuluhang aral, kabiguan, mga dakilang plano, walang kamatayang pagmamahal at sakripisyo at iba pang kahit na anong uring usapin sa ilalim ng araw ay lubos kong pasasalamatan ng buong puso.

Tara na at simulan natin ang byahe. Mabuhay ka tatay!!!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s