Fratman

Never Submit APO
Never Submit APO

Sa araw na ito ay napag-isip ko na bigyang diin ang aking pagiging tatay na fratman. Malamang ito ay dahil sa aking mga naoobserbahan sa paligid at upang pahapyaw na maipaunawa ang buhay sa loob na kung papaano umiiral ang mga kaukulang mga grupo na may kanya-kanyang layunin para sa kanilang iginagalang na organisasyon. Para sa karamihan ang buhay ng isang fratman ay tinatanggap bilang pangalawang pamilya kung saan dito natatagpuan nila ang mga kalayaang gawin at maibahagi ang walang hanggang problema, tawanan at pagmamalasakit sa isa’t-isa. Mga hindi maipaliwanag na pagtanggap sa pagkatao na hindi kailanpaman tinitingnan ang estado sa buhay, kakayanan, relihiyon, kultura at lahi. Maraming dahilan din ang umiiral na nakapaloob sa bawat isang taong kasapi ng anumang organisasyon. Ang lahat na ito ay binibigyang pagpapahalaga at paggalang na higit pa sa inaasahan.

Para sa akin ang buhay fratman ay isang katayuan ng relasyon ng mga nagkakaisa para sa karaniwang itinakdang layunin ng paniniwala, damdamin at pag-asa na ang isa’t-isa ay dapat na ituring bilang pantay-pantay para sa kabutihan ng organisasyon, komunidad at mata ng Diyos.

Ang tanging nanatili sa anumang mga pamantayan, adhikain, paniniwala at prinsipyo ng anumang mga organisasyon ay ang pagtatamasa at pagsasalin ng indoktrinisasyon mula sa mga tagapagtatag nito hanggang sa mga makabagong henerasyon ng lahi. Ang tunay na hangarin at pananaw ay maipapanatiling matatag at tagos sa puso kung paminsan-minsan ay babalikan ang mga orihinal na tradisyong nagtulak sa kung anong antas o klase na ang isang partikular na organisasyon. Ang bawat angulo na nagbigkis ng iisang kulay ng dugo at nananalaytay sa isang nagkakaisang bilog ng kapatiran ay ang susi upang mapangalagaan ang pagsasabuhay ng makasaysayang pinagmulan.

Ang kapatiran at pagiging fratman ay isang paraan ng pamumuhay na kinakailangang maging kaugalian sa lahat ng oras at lugar. Subalit kapag ito ay naabuso at nagamit na lagpas o sa kabila ng mga ipinapahiwatig nito ay ang magiging mitsa at simula ng pagkakawatak-watak. Dito nagkakaroon ng lamat na puno ng mga katanungan ang kalakhan, na kinalaunan ay magdudulot ng siraan, selos, inggit, galit, walang katapusang hidwaan at pagkakalimot sa tradisyong pinagmulan.  Ang malawakang plano ng mga pansariling interes lamang, maging hayag o tago man ay ang magsisilbing simula ng napakabigat na suliranin sa hinaharap. Mahirap na bigyang solusyon at nakapanghihinayang ngunit posibleng maisaayos. Ito ang aking paniniwala at paninindigan. Ang lahat ay mananatiling buhay bilang isang fratman at produkto ng tradisyong pinaglalaban.

Bilang isang paalala, hayaan po ninyo akong ilahathala ang aking tula bilang fratman.

Ang APOng Hamon

Sa orihinal na katitikan ni Suprem0

BABALA: Maituturing na isang matured at kritikal na panula’t basahin para sa mga propesyonal at dalubhasang fratmen lamang bwahaha!!! Bawal ang hindi magkomento sa estilong mapapanaginipan mo bwahaha pa din +)))

1

Minsan naisip ko san nga ba ako nagsimula

Sa pagiging Fratman na minsan ay sadyang nakakalula

Tanging tanda ko ay sa pagkakaibigan naipunla

Mga simulain ng angkang gwAPOng lubos dinadakila.

 

2

Sa unang pamulat na sesyon ako ay natural na namangha

Mainit at mapusok na kwentuhan ala-tuod ako ay napahanga

Bagamat napatunganga sa kakaibang panimula

Mataimtim kong naitantong eto na nga ang tunay na simula.

 

3

Bumilog mga mata sa mga taong pumaparada

Makabuluhang adhikain, plano’t serbisyong naiplantsa

Ano pa nga ba’t ako ay tuluyang walang nagawa

Kundi ibigay ang matamis kong OO na lubos nilang ikinatuwa.

 

4

Sa sarili’y mariing ibinulong na walang makakakutya

Sa isang desisyong napiling Kapatiran tugma at tama

Walang atrasa’t alinlangan buhay man ang nakataya

Tahimik na patunay ng iilang taong karunungan hinahasa.

 

5

Aba, buong gulat ko pa sa libreng pa meryenda

Mula sa mga taong tipong nag dyedyeta

Mantakin mo ba naman, recruits lang tumitira

Habang sila’y pangiti-ngiti kahit sa ice cold na coke inggit na.

 

6

Matapos mahigit isang oras ng makabuluhang oryentasyon

Ng kamangha-manghang mga tao sa bansa man o ibang nasyon

Abang lingkod naarok,tinandaan, nabighani sa kalkulasyon

Ng bilyong bilang kwalidad na produkto ng dugong gwAPOng henerasyon.

 

7

Pamumuno, pakikipag-kaibigan at pagsilbi

Binigyang diin na dapat yakapin, tangkiliki’t angkinin

Tatlong kahalagahan iikot sa matatag na kinabukasan

Basta kaulayaw isang matamis na ngiting walang alinlangan.

 

8

Sa isang di inaasahan lahat ay tipong binuhusan ng suka’t  namutla

Nang biglang inanunsyo na may pabinyagan tulad sa isang bata

Isang tradisyong ugatan tatlong prinsipyong dapat tularan

Tatlong palo ng paddle patunay ng desisyong di matatawaran.

 

9

Lingid sa malikot na isip at kaalaman ng mga naatasan

Ice cold coke at dalawang tinapay ang aking natatandaan

Sa tatlong palong bagyong dumampi sa baba ng aking puwitan

Mga ngiti at pag dyeta nila ay akin nang sadyang  naunawaan.

 

10

Apatnapu’t  mahigit na recruits naglakad pauwi

Ilang pagmumukha hindi maipinta’t mawari

Kung mas masakit ang palo ng tatay sa kanilang pagyari

Ng isang semester na perang report sa photoshop itinahi

 

11

Kwentuhan, tawanan habang ilan pinili ang katahimikan

Sa pag-namnam ng hapdi sa tatlong palo pa lamang

Wari’t mutawi ng iba papano pa mga susunod na laban

Ng pagpasok sa isang dakilang Kapatirang inaasam-asam.

 

12

Isang lingo’t kalahati mga ulap ng eskwelehan ay nahawi

Apatnapu’t mahigit na recruits tila mga dagang di makaihi

Sa dagliang panawagan ng mga kinauukulan samu’t sari

Mga alinlangan ng karamihan lumutang ala bahaghari.

 

13

Sa wakas naipon subalit bilang hindi na nangalahati

Ang apatnapu’t mahigit bumagsak ng siyam katatagan ang susi

Bahag bunto’t man at tinuring na napakamababang uri

Tunay na prosesong tradisyon nagturo sa hanay at pinagbunyi.

 

14

Puspusang indoktrinasasyon at pagsilbi sa Kapatiran

Kasama na din ang komunidad at sa Diyos na higit na tinuunan

Lubos na kahigpitan sa walang bagsak na grado sa eskwelahan

Ang pinaka importante sa pagpapanatili ng recruits na samahan.

 

15

Lumipas ang panahon sa kabila ng pinagdadaanan

Unti-unti nang niyayakap ang kapatirang may katuturan

Siyang nagtuturo ng pagpapakumbaba’t mahubog sa isang lipunan

Mga mamumuno sa darating na makabagong henerasyong kinabukasan.

 

16

Tumalab, nanalaytay at andian pang napapanaginipan

Mula sa pusong pagtanggap at niyakap na Kapatirang tapat

Dala ang mga ehemplo ng mga propesyonal na nanunungkulan

Mga pinuno sa pribado, lehislatura, ekuhutibo at maging hudikatura man.

 

17

Doseng hiyas at dalawampu’t apat na greyegong katitikan

Palagiang ipinahahalik ng sagradong paddle sa ibaba ng aking puwitan

Idagdag pa ang di na mabilang sa proseso ng aking mga kamalian

At pati na din ang lahat na kabanalan ng Selyo at Coat of Arms.

 

18

Matapos ang mahabang prelims at midterm na dugo’t pawis pinuhunan

Dumating na din sa wakas ang isang hakbang na lang sa isa bago katapusan

Finals na! YES! Ang sigaw sa ngiti ng bawat aking kasamahan

At lubusan nang maituturing angkinin ang pakikiisa sa Kapatiran.

 

19

Nagtago’t tumakas isang gabi bago ang katapusan

Sa  mga Lords and Ladies na naglalaway sa aming kinaroroonan

Ligtas na sana kung hindi lang sa isang katangahan

Isang ka batch ba naman nagpahatid ng mapupulutanan.

 

20

Litson manok at hubad na mani na may labuyong  kaanghangan

Dumating sa isang katok mula sa hindi na namin makakalimutan

Sangkaterbang kapatiran gutom at di mapigil na nagtatawanan

Kung bakit di pa daw nagpadala ng dagdag sa pangtomang hanggang agahan.

 

21

Kapatiran naglabas ng tig-iisang libong pamasahe

Sa sinumang gusto umuwi at mag-quit  na may libreng masahe

Subalit wala sinuman ang naglakas loob talikuran at nagpatsugi

Sa nasimulang matatag na samahan ng aming batch sa huling gabi nalugi.

 

22

Bangungot sa magandang aspetong gising na maituturing

Ang huling bigwas ng isang indoktrinasyong nakapiling

Bawat letra’t kataga ay katapatan at dedikasyon pinaamin

Sa ikakatatag ng samahang batch ng bawat isa sa amin.

 

23

Gumuhit ang sinag ng haring araw sa buong kabahayan

Saka lang namin namalayan na di pa pala kami napahingaan

Sa solido saradong doktrina sagad sa buto’t puso nang nakulayan

Ng ginto’t bughaw na tunay at habambuhay makakaulayawan.

 

24

Dumating ang oras na orihinal naming pinangarap at hinintay

Sa shorts at puting t-shirts lang kami pinagpantay-pantay

Mga numerong ipinalit sa mga pangalan ang sa isip kaagapay

Sa mga di mabilang na nagtatawag at nagtatanong na walang humpay.

 

25

Tanong, sagot at freestyle ang mga pinagdaanan

Sa isang taong nilunok ang pride ay hindi matatawaran

Buong angkang mga pamilyang kamay dumapo sa katawan

Tinumbasan pa ng alpha kicks na hindi mabilang kung ilan.

 

26

Subalit pinakamasarap na parte ng makabuluhang pagsubok

Ay ang Indian run na halos isandaang metro tuwid nakatutok

Kaliwa’t kanan mga nag-aabang patpat ang basehan upang makalahok

Sa tinaguriang tradisyong buhay na kailanman hindi maaarok.

 

27

Takbooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo!!!!

Habang mahigpit na hawak ang dalawang betlogs

Pak.plak,brak.krak,blag ang tanging  tunog at salitang imiimbayog

Sa kalawakan na maihahalintulad sa tunog ng sangkaterbang bubuyog.

 

28

Sa dulo ay laking pagkamangha at ikinagulat ko

Madadatnan pala ay ang sagradong Kapatirang Selyo

Hawak ng aking ninong na nagsilbing idolo at guro

Ang taong nagpatatag at mahusay akong idinesenyo.

 

29

Lumuhod, scout sign sa dibdib at inatasang baybayin ang Loyalty Pledge

Subalit mas pinili kong yakapin ang Selyo at walang humpay na umiyak

Hinalikan ng mula sa puso ang tatlong letrang nakatatak

Pati na ninong ko ay walang nagawa at di ako maawat-awat

 

30

Mga sumunod pangyayari sa loob ng chamber naganap

Toooooooooooooooooooooooooooooooooooooot!

Ipagpaumanhin na hindi pwedeng maisawalat.

Mga sagradong sistema’t bagay sa loob lamang sadyang nakatapat.

 

31

Mahigit pang isanlibo’t siyam na raang at dalawampu’t limang milyong kapatiran

Sa dakilang Bilog na pinamamamalas ang katatagan at tunay na kahalagahan

Ng isang tradisyon na hinubog ang puso’t isipang malalim ang katuturan

Malabis at nararapat lang na maipagpatuloy  magpakailanman.

 

32

Subalit datapwat may isang bukod tanging pakiusap

Ang Pambansang Tanggapan na matagal nang pinapangarap

Na magtulungan sa pamamaraan ay gustong maipalaganap

APP na nakasaad sa CBL ay ang susi’t tapat na  pinasusulyap.

 

33

Maraming tila nagsang-ayon sa naturang kautusan

Pero may mga mayoryang piniling manahimik lamang

Ano nga ba ang tunay at dapat na pinag-uusapan

Kung ang kabutihan sa Kapatiran ang sukdula’t pamantayan.

 

34

Ang dakilang hamon ay hindi sapat nakapaloob lamang sa anumang usapan

Pati na rin sa mga batas at alituntunin ng mahal na Kapatiran

Sistema’y malamang walang kapupuntahan at kaliwanagan

Kung ang totoo’t wagas na pagbabago ay di mula sa puso’t isipan ninuman.

 

35

Sa huling mensahe ng aking katitikan dulot ng sakit ng tiyan

Pakiusap at hamon na huwag maisakripisyo dakilang Kapatiran

Sa anumang nakatago’t lahad na politikal na agenda ng iilan

At nawa’y manaig makasaysayang kasunduan sa dugo iginuhit na kasulatan.

 

Para sa lahat na umunawa,nakakaunawa at nag-uunawa.

 

Madaming salamat.

 

(blag!! Sabay pasok sa banyo!! Ebz…swabe!!)

 

 

Suprem0

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s