Ika-anim ng Enero

yannaSa araw na ito ay ipinagdidiwang ng aking pangalawang anak na si Alyanna ang kanyang  ika-19 na kaarawan.

Sa mga araw na kahalintulad nito kung saan merong mga ipinagdidiwang na kaarawan nagsisimula ang aking walang hanggang pasasalamat sa Panginoon sa regalo ng buhay. Parang kailan lang kung saan pinagmamasdan ko ang isang sanggol na tahimik na natutulog at may hawak na bote ng gatas. Isang sanggol na dahan-dahang lumaki  at ngayon ay isang ganap na dalaga na.

Si Alyanna o Yanna kung tawagin ng karamihan ay isang batang tahimik, matalino, mabait, may takot sa Diyos, simple at masipag sa pag-iingat at pag-aaruga sa kanyang mga nakababatang mga kapatid. Siya ang isa sa aking apat na mga anak na matiyagang nakikinig sa mga samu’t-saring mga pangaral ko at pag=papaalala ng mga nararapat na gawin di lamang sa loob at labas ng bahay kundi pati na rin sa sarili.

Pangalawa sa magkakapatid na siyang sumalo sa pagiging panganay ng kanyang nakatatandang kapatid na si Alyssa o Yssa sa mga panahon kung saan ako ay isang “absentee father”. Habang si Yssa ay nasa pangangalaga ng aking yumaong ina ay si Yanna ang tumayong panganay sa loob ng bahay. Isang sitwasyong tahimik na pinunit ang aking puso dahil sa kanyang responsibilidad na gampanan ang ilang mga tungkulin na nakaatang sa akin at sa kanyang kapatid na si Yssa. Si Yanna ang buhay na saksi ng mga iba’t-ibang mga problema sa loob ng bahay at sa mga taong nakapaligid. Mga kapitbahay na iba ang takbo ng mga pag-iisip at ilang mga ekstended na pamilya na sa maraming beses ay ginagawang tambayan ang bahay.

Sa kabila ng lahat ng mga paghihirap na dinanas ng aking anak ay ginawa ko ang lahat na makakayang hindi maputol ang aming komunikasyon at patuloy na ginawang paraan upang matustusan ang kanyang mga pangangailangan at pag-aaral. Sa kasalukuyan, si Yanna ay nasa kolehiyo at kumukuha ng kursong inhinyero.

Maligayang kaarawan saiyo anak at maraming salamat sa lahat na ginawa at ginagawa mong tama para sa sarili at sa mga kapatid mo. Patuloy mong pangalagaan ang sarili at tingnan ang buhay bilang isang walang hanggang kaligayahan na regalo. Minsan lang ako dadaan saiyong buhay at ganun din ikaw sa akin. Mahal kita magpakailanman.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s