ANINO

Nagsimula ang lahat sa matatamis na sulyap

Mga ngiting humantong sa tawanan

Mga piraso-piarasong salita na naging kwento

At simpleng samahan ng pakiramdaman

Na tila ang lahat ay hahantong sa pag-iibigan

Ang bawat mga simple ay tila naging komplikado

At ang kilig ay naging kuryente sa sarili

Anong meron ba ang nakapagitna

Sa ating pagsasamahan

Bakit hindi maarok at hindi maunawaan ang simpleng bagay

Na kinalaunan ay isang masakit palang katotohanan

Oo, isang katotohanan ng ating magkaibang pagmamahalan

Iginugol ko ang aking buong sarili

Ibinuhos ko ang lahat para sa iyong kasiyahan

At inuna kita kesa sa aking mga mahal sa buhay

Pero bakit tila ang nakikita mo lang ay ang lahat na nagagawa ko

Nararamdaman mo lang ang sayang hatid ng mga eto

At nanduon ka lamang kapag upang ako ay pakikisamahan mo

Minsan ko nang naisip kung ako ba talaga ay mahal mo dahil kailangan

O kailangan dahil mahal mo ako

Mahirap, masaklap at puno ng mga sigalot

Kung papaano mo mauunawaan ang bawat detalye ng aking mga ginagawa

Ang maramdaman ang pagpapahalaga saiyo kesa sa kasiyahan mong nakukuha

Ang mabuhay sa simpleng tayong dalawa

At hindi sa paniniwala mong ikakasiya

Magkaiba nga siguro ang ating mundo

Ang saiyo ay ang mundong gusto mong sundin para sa sarili mo

Habang ako ay ang mundong gusto kong pag-isahin sa buhay mo

Siguro ay napapanahon na

Hinding-hindi ka uusad sa tipo ng pagpapahalaga mo

Bitawan mo na lang ako at kalimutan

Kaharapin mo ang iyong pansariling katotohanan

At makailang beses na araling muli ang sarili

Gustuhin ko mang makipaghiwalay saiyo

Mananatili akong nakasunod saiyo

At kakambal na kita sa kahit na anumang mangyari

Itim man na maituturing mo ang nag-iisang kulay at pagmamahal ko

Isang bahaghari naman ang nais kong mangyari sa kinabukasan mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s