SOROMPONGAN @ Kuyakoy Art Cafe

SOROMPONGAN
Bicol Arts, Culture, Literature & Music Night
4TH SATURDAY OF THE MONTH
Doors Open at 5:00 P.M. – 10:00 P.M.

SOROMPONGAN - Unique event to treasure the heritage, music. literature, and arts of Bicol Region.
SOROMPONGAN – Unique event to treasure the heritage, music. literature, and arts of Bicol Region.

Ang SOROMPONGAN ay isang salitang Bikolnon na tumutukoy sa kasaysayan ng pagtitipon upang pagyamanin ang mga katutubong awit at musika para sa isang kasiyahan na kung saan ang mga usapan ay hango sa mga makasaysayang kulturang panulaan at sariling musikang bikolnon.

Ang gabi ng SOROMPONGAN o Bicol Arts, Culture, Literature & Music Night ay ang espesyal na pagtatagpo ng lahat na kabataan, young artists at karaniwang mamamayan upang bigyang pugay ang kulturang Bikolnon. Ang SOROMPONGAN ay ang SERBISYO PARA SA KULTURANG BIKOLNON. Ito ay BUKAS tuwing  IKA-APAT na SABADO ng BUWAN sa loob ng isang TAON.

Ang gabing ito ay mapupuno ng mga musikang Bikolnon, pagbabasa sa entablado ng mga sipi ng Bicol literature at pagpapakita ng mga samu’t-saring talento na ang sentrong tema ay Bikolnon. Ang SOROMPONGAN ay ang magiging daan din upang pagyamanin ang mga RAWITDAWIT-(Bicol Spoken Word Poetry) na sariling atin upang buhayin ang mga panulaan o poetry na nakasulat sa salitang Bikolnon.

Ang SOROMPONGAN ay ang serbisyo upang matulungang mapalakas ang pagmamahal sa sariling kulturang Bikolnon at mapanumbalik ang tradisyong pinagbubuklod ng mga makabuluhang pag-uugali, paniniwala at pagtangkilik sa sariling kultura. Ito ay ang isang inisiyatiba o pagkukusa ng ating bahay at Guild upang bigyang buhay ang pagpapayaman ng edukasyon sa mga makabagong henerasyon patungkol sa kahalagahan ng kasaysayang sining at kultura ng ating inang lugar na Bikolnon.

Upang ating mapanitili ang pinakadiwa ng ating pananaw na pagyamanin ang gabi ng SOROMPONGAN, ang lahat na may intensyong dumalo ay pinapayuhang maghanda ng sipi o kopya ng sinumang manunulat na Bikolano nang sa gayon ay malayang basahin sa ating entablado. Ito ay pwedeng rawitdawit (Bicol Spoken Word Poetry), anumang klaseng sipi ng Bicol Literature, musikang Bikolnon at iba pang may kaugnayan sa gabi ng SOROMPONGAN. Para sa mga musikero, pinapayuhan ding magdala ng inyong gitara, ukulele at iba pa.

Huwag po nating kakalimutan na bigyan ng kapurihan ang nagsulat ng inyong dala-dalang siping Bikolnon nang ating bigyang karampatang karangalan ang manunulat o kompositor sa bawat gabi ng SOROMPONGAN. Malugod na tatanggapin at hahayaang ipakita ang anumang uring orihinal na komposisyon sa entablado.

Ang gabing ito ay bukas din sa lahat na kabataan at mamamayan na nagmumula sa sektor ng Indigenous, Physically Challenged o Persons with Disablities (PWD) at komunidad ng LGBT na lubos na hinihikayat na makiisa at magbahagi ng anumang uri ng talento.

Ang Kuyakoy Art Gallery (Arts and Culture), Inc. at Young Artists Guild of Camarines Norte (YAGCN Arts and Culture), Inc. ay lubos na pinahahalagahan ang isang komunidad na kapaligiran na malaya sa anumang uri ng diskriminasyon at panliligalig at patuloy na magpupunyagi at magsusumikap upang maiwasan ang ganoong batay ayon sa lahi, kulay, relihiyon, kasarian, oryentasyong sekswal, bansang pinagmulan, edad at kapansanan.

MABUHAY! SULONG KABATAAN! SULONG SINING! SALUDO!aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s